Skip to main content

  | मौसम…

411 समाचार
Public archive edition · Attributed source reporting with original dates · AI drafts are excluded

411 REFERENCE · Wikibooks

Tagalog/Conjunctions

Reference material by Wikibooks contributors. This retains its source identity and is not 411 news reporting.

Pangatnig – ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa magkasunod 1. Nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na salita, parirala, o sugnay na kapwa makatatayong mag-isa. Hal. at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero, atb. At, saka, pati – ginagamit kung nais lamang nating idagdag o isingit ang ikalawang salita o parirala o sugnay sa nauuna. Hal. Masustansyang pagkain ang prutas at gulay. O, ni, at maging - tinatawag na mga pangatnig na pamukod sa dahilang pinagbubukod nito ang mga kaisipang ating pinag-uugnay Hal. Nisaktan, nipagalitan ay hindi ko ginawa sa iyo. Ngunit, subalit, datapwat, bagamat, at pero – ay tinatawag na mga pangatnig na panalungat. Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.wa oi Hal. Bata pa si Red subalit siya’y responsable na. 2. nag-uugnay ng di-magkatimbang na salita, parirala, o sugnay. v Kung, kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, at sana Kung, kapag, at pag – pangatnig na panubali. Hal. Uuwi ako kapag kasama ka. Dahil sa, sapagkat, palibhasa – nagpapakilala ng sanhi o dahilan; Tinatawag na mga pangatnig na pananhi Hal. Palibhasa’y matalino, hindi nag-aaral sa Ben. Kaya, kung gayon at sana – mga pangatnig na panlinaw; 0 ginagamit upang bigyang –diin o linaw ang kaisipang hatid ng sugnay na di-makapag-iisa. Hal. Kung nag-aral ako, hindi sana ako bumagsak ^ Table of Contents ^ | <<Conjugation | Conjunctions | Ligatures>>