411 REFERENCE · Wikibooks
Tagalog/Leron-Leron Sinta
Reference material by Wikibooks contributors. This retains its source identity and is not 411 news reporting.
Lyrics
Tagalog
Lerón, lerón sintá
Buko ng papaya,
Dalá-dalá'y buslô,
Sisidlán ng bunga,
Pagdating sa dulo'y
Nabalì ang sangá
Kapós kapalaran,
Humanap ng ibá.
Gumising ka, Neneng,
Tayo'y manampalok,
Dalhin mo ang buslóng
Sisidlan ng hinóg.
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog,
Kumapit ka, neneng,
Baka ka mahulog.
Lerón, lerón sintá
Buko ng papaya,
Dalá-dalá'y buslô,
Sisidlán ng bunga,
Pagdating sa dulo'y
Nabalì ang sangá
Kapós kapalaran,
Ang ibigin ko'y
Lalaking matapang,
Ang baríl nya'y pitó,
Ang sundang nya'y siyám
Ang lalakarin nya'y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang kanyang kalaban.
Lerón, lerón sintá
Buko ng papaya,
Dalá-dalá'y buslô,
Sisidlán ng bunga,
Pagdating sa dulo'y
Nabalì ang sangá
Kapós kapalaran,
Humanap ng ibá.